Agosto 4, 2012

Paglalayag

Huling sulyap,
baka sakaling dumating;
isang
huling lingon
sa labindalawang kahapong
pinagsaluhan natin.

Kailangan nang lumisan,
bakit wala pa rin?
makikita pa kaya?
ibulong mo sa hangin.