Setyembre 1, 2010

Hatinggabi



Pagdaop ng mga palad ng orasan,
Liparin sana ng hangin ang isipan,
Patawan ng sa'kit ang buong katawan,
Nang ako'y makalimot kahit saglit lang.

Doon sa dulong sulok ng aking silid,
Kung saan dumaong ang aking daigdig,
Mata'y napako sa dilim ng kawalan,
Dagan ko ang sahig, ang dingding ay pasan.

Dati, pagsasapit ang gan'tong sandali,
Lango na sa rurok ng iyong pagtangi,
Ganap ang ligayang sa puso'y sumanib,
At walang pagsidlan sa iyong pag-ibig.

Subalit wala ka na - ako'y nilisan,
Tinanging pagsuyo'y sukat binitawan,
Samsam ang gunitang naiwan sa piling,
Hangal sa pag-asang babalik pa sa akin.

Walang komento: