Setyembre 29, 2010

Sa U.P.

Ilatag mo gabi ang itim na tabing,
Humimlay ka araw hanggang sa mahimbing,
Umawit ng hele o maamong hangin,
Ang timyas ng buhay ngayon ay kapiling.

At doon sa silong ng sanlaksang tala,
Pinawi ang hapis at pangungulila,
Sa gitna ng dilim mundo'y pinayapa,
Nagniig itong puso, kalul'wa't diwa.

Walang komento: