Setyembre 25, 2010

"Noli Me Tangere"

Minsan,
nangahas
ang paslit
na agawin ang
tinapay ng
kalarong marikit -
gustong mangulit.

Subalit,
maagap ang
kamay
na sagwil sa
lapastangang sunggab
nitong bubwit -
nagpupumilit.

Tuloy,
nabitin ang
takam
na gigil ng
sutil na nasang
ayaw papigil -
sa uulitin.

Walang komento: