Setyembre 2, 2010

Kung Sakaling Ako'y Mahimlay

Kung sakaling, Mahal, naisin
ng Maylalang
na sa araw na ito
ako'y mahimlay - di man ipahintulot
na kita'y masilayan - nais
kong ipabatid: hanggang sa huling sandali,
ikaw ang aking minahal,
minamahal.

Sapagka't sa piling mo, walang sandaling ninais
ko ang langit;
ikaw
ang aking lahat,
ang aking ngayon,
ang bukas.

Walang komento: