Setyembre 5, 2010

Sa Ika-14 ng Pebrero 2003

tangan ko
ang bulaklak
ng pagsuyong
alay
sa
altar
ng iyong
pag-ibig

sambit
ang misteryo
ng tatlong taong
pagtanging
biyaya
sa akin

magtitirik
ng kandila
sa iyong
dambana,
nagsusumamo
sa pananalangin:

sa pagpanaw ng apoy,
wag mo akong limutin




Walang komento: